Article Inside Page
Showbiz News
Kahit medyo maiksi ang role ni Hero as Benny, played by the late Jay Ilagan, malaking privelege pa rin ito for him to work with Mark, Jen, and Direk Joel.
Hero Angeles won first place in a reality search at another network that competed against 'StarStruck.' Fast forward ng ilang taon, he is now competing with the first 'StarStruck' Ultimate Male Survivor para sa puso ng first 'StarStruck' Ultimate Female Survivor—and Hero couldn't be more excited! Text and Photos by Jason John S. Lim.
Kung dati ay pangarap lang ni
Hero Angeles ang makasama sa isang soap ang tambalang
Mark Herras at
Jennylyn Mercado, ngayon isa na itong reality para sa kanya. Kaya naman excited na si Hero.
That's because, bukod sa ito ang first time na makakasama niya ang dalawa sa soap nang sabay,
Paano ba ang Mangarap? will also be the comeback soap ng love team nina Mark and Jennylyn: "Hindi ko naman na-imagine dati na makakatrabaho ko sila, 'di ba?"

Sa pinakabagong
Sine Novela ng GMA-7, Hero will be playing a very special role kung saan siya talaga ang dapat makakatuluyan ni Jennylyn; ito ang role na ginampanan ng yumaong si Jay Ilagan.
"Tapos si Mark, kuya ko siya," kuwento niya. Wala naman daw mababago sa character ni Benny, which Hero will play. "Kami [ni Jennylyn] talaga, tapos palihim 'yung relationship namin. Pagtagal ng panahon, magkaka-anak kami [at] magpo-propose ako sa kanya ng kasal."
And that's where Hero's participation in the soap ends. Dahil, as fans of the movie know, the character of Benny had to be written off after the unexpected death of Jay Ilagan. And GMA has decided to stick with the movie version of the story.
Hero sees the show as an opportunity, para makita ng viewers at ng kanyang fans, na kaya pa niyang maging part ng isang love team. "Guest lang talaga ako dito, pero nakatutuwa kasi—parang privilege na rin sa akin 'yung maka-trabaho sila [Mark and Jen] at si Direk Joel Lamangan."
Dagdag pa niya na marami na siyang narinig na good things about the director—"Kinakausap ako ni Mark, kinukuwentuhan niya ako tungkol kay Direk, tungkol sa mga production staff, sa crew." Kaya naman, hindi na talaga kataka-taka ang excitement ni Hero sa soap na ito.
Since
Paano ba ang Mangarap? is a remake of a classic movie, tinanong namin si Hero kung meron bang mga bagong aabangan sa story nito. To which Hero answers, "Dapat abangan kung paano kami magkakakilala ni Jen!" Aside from the kilig moments na siguradong hindi mawawala, nandoon din daw ang pagtatago nila ni Jennylyn ng relationship nila sa mga pamilya nila.
Bukod pa doon, Hero adds, "Ano 'yung magiging reaction nung character ni Mark since made-develop 'yung love niya [for Jennylyn]? Paano niya itatago 'yon since kapatid niya ako? [At] paano sila magiging sila?"
He confesses, though, na may ikinatatakot rin siya sa soap na ito. "Hindi ko pa alam kung ano mangyayari [after this]; siguro dito titignan 'yung rehistro namin sa camera, kung ano 'yung magiging chemistry namin; sa Hero-Jennylyn tapos ['yung] kaming tatlo."
And besides this being his first dramatic soap sa GMA, Hero reveals to us na ito rin ang first time ever niya na gaganap bilang corporate man—na isang mayaman na character. That's not even mentioning the fact na this is his first mature role, kung saan magkakaroon siya ng anak. So ibang kaba pa rin yun para sa kanya.
So let's put Hero's fears to rest. Ipakita natin ang support natin sa tambalang Hero-Jennylyn at Hero-Jennylyn-Mark once
Paano ba ang Mangarap? premieres on February 16, sa Dramarama sa Hapon ng GMA!
After watching the pilot, tell Hero your comments about his acting and his chemistry with Jennylyn through Fanatxt! Just text HERO (space)
to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)