Article Inside Page
Showbiz News
Nakakatakot si Hero sa "Luna Mystika" but he's the complete opposite of the villain he portrays onscreen. Basahin ang mga kwento niya sa iGMA team.
Hero Angeles looked menacing in his full costume and makeup while we were interviewing him on the set of > “Luna Mystika,” but he was the complete opposite of the villain he portrays onscreen. Basahin niyo ang mga kwento niya sa amin dito! Text by Jillian Q. Gatcheco. Interviewed with Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio.
Working with Heart
All praises si Hero sa star ng
Luna Mystika na si
Heart Evangelista.

“Masaya naman kasi parehas kaming galing sa [ibang network] so doon kami nag-meet!” he shares with a laugh. “May mga plans before na pagsamahin kami sa show doon na hindi natuloy. Dito pala siya matutuloy sa GMA, so nakakatuwa. Magaling siyang artista. Nabigyan niya ng justice yung role as Luna and Celestina -- lalo na si Celestina, naaliw ako kay Celestina.
“Professional [din siya] -- maaga siyang dumarating sa set, walang arte sa katawan [at] ka-trabaho, [at] friendly siya, so masaya. Katulad na rin nila
Iwa [Moto], Aljur [Abrenica],
Kris [Bernal], Bearwin [Meily] and tito Gardo [Versoza].
Dream to be mean!
Hero says he is finally living his dream -- to portray a kontrabida.
“Kung baga dati sa
Dyesebel, ang role ko masama, pangontra kay Kris [Bernal] at Aljur [Abrenica]. Dito, ako kasi yung leader so masaya na nabigyan ako ng ganitong role. At saka dream ko yung kontrabida roles before, na hindi naibigay sa akin at dito pala siya maibibigay [kaya] natutuwa ako.”

Dagdag niya, “Actually sana nga, next time, if ever mabigyan ako ng project, mas gusto ko [maging] kontrabida. Mas nag-e-enjoy ako sa ganoon. At okay din ang telefantasya. Kasi noon sa
Dyesebel, telefantasya, pero tao lang ako. Dito, [may] costume, at saka kailangan kong ibahin yung ‘ako,’ kasi kailangan i-modulate yung boses, plus iniiba pa nila yung boses sa TV -- mas nakakatakot dapat. Tapos yung hirap ng pagkakabit ng prosthetics, yung tenga, matagal siyang gawin -- two hours lahat! [They airbrush] kasi, [kaya] papatuyuin pa.”
His transformation
Ipinaliwanag ni Hero ang proseso ng kanyang transformation to Alguwas.
“Pinakamatagal sa face, kasi ordinary makeup muna tapos yung pula [sa mata]. [Then aayusin yung] kilay, [tapos may] eyeliner. Actually, matagal din [ang] pagbura! Pack-up na kami, malapit na ako sa bahay, di pa ako tapos magbura [ng makeup]!
“Yun lang yung difficulty dito, pero all in all masaya kasi yung role ni Alguwas, minahal ko na, even before mag-start. So pag binibigay yung script, inaaral ko na siya kaagad, kahit sa bahay.”
Malapit na ang pagtatapos ng Luna Mystika! Don’t miss each exciting episode, every weeknight during GMA Telebabad!