What's Hot

Hero shares what happens next sa Luna Mystika

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 14, 2020 2:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - House representatives file resolution to investigate death of former DPWH Usec. Cabral (Dec. 22) | GMA Integrated News
Drunk man drowns at Digos beach
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Anu-ano kaya ang mga susunod na mangyayari sa 'Luna Mystika'? iGMA caught up Hero, a.k.a. Alguwas, at ito ang kinuwento niya.
As Alguwas's role in the lives of Luna and Celestina's lives grows more significant, dumarami na rin ang nalalaman ni Hero Angeles tungkol sa mga mangyayari. It seems darker times are ahead para sa kambal. Read on to find out kung anu-ano ang ire-reveal ni Hero! Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio and Connie M. Tungul. "Ang dami kong eksena na may mga sinasaktan ako," Hero Angeles begins. "May pinapatay." iGMA is at the pictorial for Sine Novela's Paano ba ang Mangarap? but we're not talking about that show. Ang pinag-uusapan namin? Luna Mystika. stars
Over the holidays, marami na ang nangyari sa Bayang Mausok. Ipinakilala na sina Joaquin (Dante Rivero) at Benita (Chanda Romero) bilang mga leader nina Alguwas (Hero Angeles), but what will this mean para sa magkapatid na sina Luna at Celestina, both played by Heart Evangelista? "May twist," inamin ni Hero. He says na right now, the creative team is messing with the viewers kung sino talaga ang good side: "Kung si Bearwin [Meily] o ako. [At] ano ba talaga sina Michelle [Madrigal] at si Pauleen [Luna]? Kasi dati pro-Bearwin sila, 'di ba?" With these questions, talaga nga namang maiintriga ka sa mga susunod na pangyayari sa show. Pero mukhang hindi pa tapos si Hero sa pagti-tease. Tinanong namin siya about a certain plot point na nabanggit noon sa story conference, na tinawanan naman niya: "Pinatay ko na siya!" Wait, wait. Sinong siya? Hero tells us na may isang engkanto ang mamamaalam na sa Luna Mystika. Pero hindi rin daw siya sigurado kung patay na nga ba ito. "[Kasi] 'yung way ko ng pagpatay sa kanya, puwede pa siyang mabuhay. Puwede pa siyang magbalik sa Luna." Kung sino sa mga engkanto ang haharap sa galit ni Alguwas, kailangan mong panoorin ang show para malaman. We can't give everything away! Pero hindi ba si Libado (Aljur Abrenica) ang currently kalaban sa kampo ni Alguwas? Ang masama lang nito, mukhang si Hero ang kinakarma sa mga kasamaan ni Alguwas. "Ang problema namin sa taping, kapag umaga, sobrang mainit. Kasi gubat. Pagdating sa hapon, gabi kasi taping namin hanggang mga 5 a.m., ang lamig! Sobrang lamig. Hindi [naman] kami puwedeng mag-jacket kasi may costume kami. "So medyo sumasakit 'yung [katawan] ko, kasi naka-expose 'yung left-part ng likod ko," kuwento pa niya. But Hero is taking it all in stride. After all, maganda ang reception sa kanilang show—especially ng mga bata. 'Yun nga lang daw, may mga batang parang natatakot na sa kanya when they see him in person. Pero, the good thing is, alam naman daw nilang make-believe lang ang Luna Mystika. Going back, Hero isn't done yet with spilling some beans tungkol sa show. "Abangan nila 'yung mga iuutos sa akin ni Pinunong Ado, tsaka ano 'yung mangyayari sa susunod na kabilugan ng buwan. May revelations kay Iwa [Moto], kay Celestina, tsaka kay Luna. Tatlo silang [puwedeng] susi—abangan nila kung sino." Sinabi rin ni Hero na malaki ang magiging papel ng eclipse sa show. Ngayong pareho nang tao si Luna at Celestina, mukhang only one of them can come out of the eclipse in her physical form. "[Sa pagkakaalam ko], isa sa kanila ang magiging anino forever." Dagdag ni Hero na si Luna man ang titular character, "si Luna mahina, mas aggressive si Celestina—so hindi natin alam kung sino 'yung magiging tao." Definitely, kaabang-abang ang mga magiging sagot sa mga iniwang tanong ni Hero, so don't miss an episode of Luna Mystika. And siyempre, keep on watching din to see more of Hero as Alguwas. Watch and tell us here sa iGMA! Luna Mystika airs every weeknight pagkatapos ng 24 Oras.