
Delicious, fun, and extra playful food trip ang bagong episode ng 'Farm to Table.'
This weekend, dadayo si Chef JR Royol sa Balai Alegria sa Bulacan kasama ang tatlong magagandang celebrity guests na sina Hershey Neri, Robb Guinto, at Sugar Mercado.
Dahil all-girls ang kanyang mga bisita, hindi nagpahuli si Chef JR at inilabas ang kanyang grill power para sa isang masarap na Ihawan Festival. Asahan ang iba't ibang nakakatakam na inihaw na putahe sa episode na ito!
PHOTO SOURCE: Farm to Table
Susunod naman ang isang pasta-siklaban sa kusina kung saan ituturo ni Chef JR ang dalawang simple pero masarap na pasta recipes. Ito ay isang hot pasta at isang cold pasta na puwedeng-puwede ring subukan sa bahay.
Samantala, si Kapuso comedienne Analyn Barro ang magbabahagi ng isang vegetarian karinderya na naghahain ng masasarap, healthy, at budget-friendly na meat-free meals.
Abangan ang exciting at flavor-packed episode ng 'Farm to Table' ngayong Sabado (July 25), 4:45 PM sa GMA, at Linggo (July 26), 7:00 p.m. sa GTV.