GMA Logo TiktoClock
PHOTO SOURCE: TiktoClock
What's on TV

'Heto Na Nga' ng 'TiktoClock,' patok sa mga manonood!

By Maine Aquino
Published October 26, 2023 11:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

TiktoClock


Alamin ang mga opinyon ng mga 'TiktoClock' viewers at hosts sa mga controversial na mga sitwasyon sa "Heto Na Nga".

Iba't ibang opinyon ng mga TiktoClock viewers at studio audience ang ibinibida sa controversial at exciting na segment na "Heto na Nga".

Sa "Heto na Nga", maririnig natin ang ilang sitwasyon na kinakaharap ng mga TiktoClock viewers at sasagutin naman ito ng mga TiktoClock viewers online pati na rin ng mga Tiktropa nating mga studio audience. Tampok dito ang kanilang mga matatapang na opinyon, mga aral, at pati na rin mga personal experience.

Sa TiktoClock page ay makikita ang sagot ng mga viewers sa bawat topic at binabasa ito ng mga TiktoClock hosts sa programa. Kapag napili ang kanilang sagot sa TiktoClock, makakatanggap pa sila ng blessing.

Hindi naman papahuli sa "Heto na Nga" ang mga TiktoClock hosts na sina Pokwang, Kuya Kim Atienza, Rabiya Mateo, Faith Da Silva, at Jayson Gainza dahil nagbibigay rin sila ng kanilang mga sagot sa bawat pag-uusapang sitwasyon. Nakakasali rin sa pagbibigay ng mga opinyon ang mga guests na nakakasama natin sa bawat episode.

'TiktoClock' hosts, nagpasaya sa MassKara Festival


Isa sa kanilang mga napag-usapan ay kung dapat bang iniimbitahan ang mga toxic family members sa mga party. Nagbigay rin ng opinyon ang TiktoClock hosts kung dapat bang sabihin sa kumare na nagloloko ang asawa nito.

Narito ang mga sagot ng mga Tiktropa viewers:

Huwag magpahuli sa mga maiinit na sitwasyong pag-uusapan sa TiktoClock! Abangan ito at sumali sa pagsagot sa "Heto na Nga" ng TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:15 am sa GMA Network.