GMA Logo Hidden Love'
What's Hot

'Hidden Love', muling mapanonood na sa GMA simula ngayong Lunes!

By Mark Joseph F. Carreon
Published April 16, 2026 1:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan commits working with ASEAN to ensure free, open Indo-Pacific
Indonesian rising star Arash Buana to play first-ever international shows in Manila
Huwag Kang Titingin | Princess Aliyah and Fred Moser

Article Inside Page


Showbiz News

Hidden Love'


Magbabalik sa telebisyon ang award-winning Chinese drama na kinakiligan ng buong mundo na 'Hidden Love' simula ngayong Lunes sa GMA!

Humanda nang muling kiligin at ma-in love ngayong April! Matapos ang matagumpay na pagpapalabas nito sa GMA Heart of Asia, muling magbabalik sa ating mga screen ang phenomenal Chinese drama na Hidden Love, at sa pagkakataong ito, muli natin itong mapapanood sa GMA!

Ang seryeng ito ay hindi lamang nagbigay ng “kilig overload” sa buong mundo, kundi kinilala rin bilang isa sa mga pinaka-pinanood at award-winning dramas sa Asya dahil sa tindi ng chemistry ng mga bida nito na sina Zhao Lusi at Chen Zheyuan.

Umiikot ang kuwento kay Sandy (Zhao Lusi), isang masayahing estudyante na lihim na humahanga sa kaibigan ng kanyang kuya na si Matthew (Chen Zheyuan).

Sa kabila ng agwat ng kanilang edad, naging malapit ang dalawa at nagsilbing inspirasyon ni Sandy ang kabaitan at pag-aalaga ni Matthew.

Subalit, dahil sa mga hamon ng buhay at magkaibang landas na tinahak, pansamantalang nawalan ng komunikasyon ang dalawa. Lilipas ang panahon at muli silang magtatagpo sa kolehiyo.

Dito, ang dating “hidden crush” ni Sandy ay magsisimulang magbunga ng isang mas malalim at seryosong pag-iibigan.

Paano nga ba magbabago ang buhay ni Matthew ngayong hindi na bata ang tingin niya sa kapatid ng kanyang matalik na kaibigan?

Subaybayan ang Hidden Love, simula ngayong April 20, 11:30 p.m. ng gabi sa GMA!