
Success ang seasoned stand-up comics Hideout Lodis sa Family Feud matapos nilang maiuwi ang grand prize nitong Miyerkules, April 23.
Sa masayang episode ng Family Feud ay nakipagtagisan ng galing ang Hideout Lodis na kinabibilangan nina Mandy Flores, Marvin Mendoza, Mariel Santos, at Renz Hermogenes sa mga Drag Comedianas na kinabibilangan naman nina Diega, Orville Tonido, Jolina, at Goregous Dawn.
Pasok sa fast money round ang Hideout Lodis kung saan naglaro sina Mandy at Mariel.
Naipanalo with flying colors nina Mandy at Mariel ang round matapos makakuha ng 243 points kaya naiuwi nila ang grand prize na Php 200,000.
Bukod pa rito ay makakakuha rin ng cash prize ang kanilang chosen charity na Philippine Animal Welfare Society (PAWS).
Panoorin ang winning moment ng Hideout Lodis dito:
Abangan ang "Winner ang Summer" episodes ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng Php 20,000.