What's Hot

Higanteng Chinese fantasy na 'Fire of Eternal Love,' parating na sa GMA ngayong Enero

Published January 9, 2019 5:57 PM PHT
Updated January 9, 2019 6:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Stephen Curry propels Warriors over Nets
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Isang nag-aalab na telefantasya mula China ang parating sa GMA FantaSeries!

Isang nag-aalab na telefantasya mula China ang parating sa GMA FantaSeries!

Fire of Eternal Love
Fire of Eternal Love

Ang Fire of Eternal Love ang isa sa pinakamalaking productions mula sa China noong 2018.

Kuwento ito ni Lie Ruge (Dilraba Dilmurat), ang tagapagmana ng Liehuo Pavilion. Palaisipan para sa kanya kung bakit siya hiniwalayan at tila ipinagpalit sa isang babae mula sa bahay-aliwan ng kanyang fiance na si Zhan Feng (Vin Zhang).

Kaya kahit tagapagmana ng isa sa pinakamakapangyarihang sekta ng martial arts, magtatrabaho siya sa bahay-aliwan bilang isang utusan para malaman kung ano ang naging pagkukulang niya sa kanyang fiance.

Ang hindi niya alam, malalim ang ugat ng galit ni Zhan Feng. May taong lumason sa kanyang isipan at pinalalabas na ang ama ni Lie Ruge ang pumatay sa ama ni Zhan Feng.

Buti na lang, lagi siyang ipinagtatanggol ng kababatang si Yu Zihan (Liu Ruilin), isang prinsipe na nanirahan sa Liehuo Pavilion para takasan ang pamumulitika sa palasyo.

Bukod dito, makakahanap pa si Lie Ruge ng kakampi kay Yin Xue (Vic Zhou) na isang misteryosong lalaki mula sa bahay-aliwan.

Abangan ang fantasy action drama series na Fire of Eternal Love ngayong Enero na sa GMA FantaSeries!