GMA Logo Mario Maurer and Toey Jarinporn
What's Hot

HIGHLIGHTS: Ang 1-year contract nina Pia at Win sa 'The Blooming Treasure'

By Cara Emmeline Garcia
Published March 8, 2021 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
24 Oras Express: January 16, 2026 [HD]
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Mario Maurer and Toey Jarinporn


The more you hate, the more you love 'di ba? Ganito rin kaya ang mangyari kina Win at Pia sa 'The Blooming Treasure?'

Sa unang linggo ng The Blooming Treasure, nautusan si Win (Mario Maurer) ng kanyang lolo na bumili ng yellow chrysanthemum sa isang specific flower shop sa labas ng Bangkok, Thailand.

Dito n'ya nakilala si Pia, ang hardworking owner ng flower shop para tulungan siya sa huling hiling ng kanyang lolo na bumili ng yellow chrysanthemums.

Pero sa kasamaang palad ay hindi umabot si Win na makita ang kanyang lolo for the last time dahil namatay ito habang kumukuha siya ng mga bulaklak sa flower farm.

Pagkabalik ni Win, bumungad sa kanya ang masamang balita ng pagpanaw ng kanyang lolo na ikinalungkot n'ya nang sobra. Hindi n'ya napigilan magluksa at alalahanin ang mga magagandang memorya nila sa isa't isa.

Nakonsensya rin si Win dahil puro masasamang salita ang nasabi n'ya sa kanyang lolo bago ito mamatay.

Bago pa man pumanaw ang kanyang lolo, ibinago nito ang kanyang last will and testament na nagsasabing magtatrabaho muna si Win ng isang taon sa flower farm ni Pia habang ang huli naman ang magiging interim CEO ng billion-dollar real estate company nito.

Pumayag kaya ang dalawa sa setup na ito?

Patuloy na panoorin ang The Blooming Treasure sa GMA-7 kasama sina Mario Maurer, Toey Jarinporn, Kawee Tanjarak at Matcha Mosimann.

Kilalanin ang mga karakter sa gallery na ito: