
Sa ikawalong linggo ng VIP, malalaman na ni Janine (Jang Na-ra) ang tunay na nagpadala sa kanya ng isang anonymous text message na nagsiwalat ng pangangaliwa ng kanyang asawa.
Babalaan naman ni Janine ang ama ni Yuri (Pyo Ye-jin) na isisiwalat ang tungkol sa pakikiapid nito kay Simon (Lee Sang-yoon) at pati na ang 'di patas na pagtrato sa kanya kung sakaling malipat siya sa isang branch office.
Makakatanggap si Mina (Kwak Sun-young) ng indecent proposal kapalit ng promotion. Ito ang maghuhudyat kay Eula (Lee Chung-ah) na isiwalat ang nangyari sa kanya noon at magsampa ng kaso laban sa mapanamantalang executive.
Samantala, masisiwalat na si Yuri mismo ang nagpadala ng mensahe kay Janine tungkol sa sarili niyang affair kay Simon.
Panoorin ang highlights ng ika-walong linggo ng VIP.
The hard truth for Yuri
Is it love or pity?
Mina receives an indecent proposal
Simon's true feelings for Yuri
The consequences of Simon's infidelity
Eula's shocking exposé
Eula's fight against her controversy
A venomous message from the mistress
Patuloy na tumutok sa VIP, Lunes hanggang Huwebes pagkatapos ng My Korean Jagiya sa GMA Telebabad.