
Tila nasa hot seat ang TV host-actor na si Andre Paras sa pilot episode ng Game of the Gens (GOTG) sa GMA News TV noong Araw ng mga Puso.
Special guest ang dating kapareha ni Andre sa The Half Sisters na si Barbie Forteza at ang ama nito na si Antonio Forteza.
Mas lalong naging exciting ang episode ng GOTG nang tanungin ng Gen Dolls member na si Mariko ang aktor kung bakit hindi niya nilagawan ang dating kapareha.
Napa-hugot pa si Barbie at sinabing, “May feeling kasi ako na parang hindi ako enough.”
Makikita na pinagpapawisan nang husto si Andre at umapila na, “Guys wait, no, no, hindi ganun 'yun. Hindi ganun 'yun, magpapaliwanag ako.”
Sumunod na hirit ni Barbie, “Na parang hindi ako cool, e, so ano.”
Muli nagsalita si Andre Paras at sinabi nitong thankful siya na nakasama niya ang Kapuso actress sa dati nilang project.
Wika niya, “Ang gusto ko lang sabihin kay Barbie na I'm very thankful kasi magkasama kami, okay. I'm very thankful, I've learned a lot, first show kasama ko si Barbie at the same time for all the viewers watching, sana matuto kayo sa akin. Don't make the same mistake.”
Tinanong uli ng Gen Dolls ang tatay ni Barbie kung ano reaksyon niya sa sinabi ni Andre, maikling pahayag ni Mr. Antonio Forteza, “Sinayang niya, e”
Dito nasimulang maghiyawan at tawanan ang buong studio sa sinabi ng tatay ni Barbie.
Muling balikan ang nakakatawang eksena na ito sa first episode ng Game of the Gens noong February 14 sa video above o panoorin DITO.
Heto pa ang ilang trending scenes sa first episode ng game show nina Sef Cadayona at Andre Paras.
Andre Paras at Barbie Forteza, may pa-closure?!
Rap Battle with Ms. Snooky Serna!
Kung G na G pa rin kayo sa kulitan at amazing trivia, muling tumutok sa episode next week ng bago ninyong Sunday night habit na Game of the Gens sa GMA News TV sa oras na 7:45 p.m.
Related content:
Pilot episode ng 'Game of the Gens', pinusuan ng mga netizen!
Jackie Forster, may funny hirit kay Andre Paras ilang araw bago ang Valentine's Day
'Game of the Gens' stars, inisa-isa ang nami-miss nila noong dekada 2000