
Sa February 19 episode ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, naging emosyonal si Caitlyn (Kate Valdez) nang makausap at makilala niya ang tunay niyang ama na si Joaquin (Jay Manalo).
Maiisipan naman ni Ginalyn (Barbie Forteza) na maghanap ng lalaking magiging kasintahan niya para tigilan na siya ni Cocoy (Migo Adecer).
Inilabas ni Sussie (Dina Bonnevie) ang lahat ng kanyang galit kay Joaquin bilang pagtutol na rin sa naging kasunduan nila ni Caitlyn.
Panoorin ang highlights ng 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday' dito:
Father and daughter's emotional reunion
Wanted: Boyfriend for Ginalyn
Sussie's grudge against Joaquin