
Nagbabalik ang one-of-a-kind Kapuso teleserye na My Korean Jagiya sa GMA Telebabad!
Noong nakaraang linggo, labis na nasaktan si Jun Ho (Alexandeer Lee) nang pirmahan ni Gia (Heart Evangelista) ang kanilang divorce papers.
Akala kasi ng dalaga ay ito ang magpapasaya sa kanyang Koreanong asawa, ngunit baliktad ang nangyari dahil may feelings pala ito sa kanya.
Napagdesisyunan ni Jun Ho na bumalik na lamang ng Korea para makalimutan si Gia.
Nang nalaman ito ng huli, hinabol niya si Jun Ho sa airport para bawiin ang kanyang desisyon.
Panoorin ang highlights ng My Korean Jagiya:
Future secured with Lee Gong Woo
Jun Ho, patay na patay kay Gia
Sad boy Jun Ho
Oplan: Sungkitin ang puso ni Gia
Jun Ho and Gia are now officially over
Tunghayan ang mga nakaka-K-lig na tagpo sa My Korean Jagiya, gabi-gabi sa GMA Telebabad.