
Nagbabalik ang one-of-a-kind Kapuso teleserye na My Korean Jagiya sa GMA Telebabad!
Sa huling linggo ng serye, nagsimula na ang road to forever nina Gia (Heart Evangelista) at Jun Ho (Alexander Lee) matapos silang mag-isang dibdib.
Mula sa pagiging fan, tutor, fake wife, at girlfriend, ngayon isa nang tunay at wagas na misis ni Jun Ho si Gia.
Hindi naging madali ang kanilang journey. Marami silang ups and downs na pinagdaanan pero nanatili silang patient para mahanap ang kanilang tunay na 'Jagiya.'
Panoorin ang highlights ng My Korean Jagiya dito:
JuGia's despedida date
Long distance relationship nina Gia at Jun Ho
Walwal night with Gia and Jun Ho
Jun Ho's worldwide confession
Gia and Jun Ho's road to forever
Kapuso, maraming salamat sa muling pagsubaybay sa My Korean Jagiya. Kung nais n'yong muling panoorin ang nakaka-K-lig na kuwento nina Gia at Jun Ho, bisitahin lamang ang GMANetwork.com o pumunta sa GMA Network app para sa full episodes ng serye.
Samantala, abangan ngayong Lunes, February 15, ang world premier ng romantic comedy series na Owe My Love na pagbibidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.
Mapapapanood ito Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA-7.
Para sa mga Kapuso abroad naman, maaaring mapanood ang Owe My Love sa GMA Pinoy TV.