
Nagbabalik ang one-of-a-kind Kapuso teleserye na My Korean Jagiya sa GMA Telebabad!
Noong nakaraang linggo, nagkapatawaran na sina Jun Ho (Alexander Lee) at si Gia (Heart Evangelista) matapos silang magkabalikan sa kabila ng sunud-sunod na problemang sumubok sa kanilang pag-iibigan.
Handang talikuran ni Jun Ho ang lahat, maging ang kanyang showbiz career, para makapag simula ng bagong buhay kasama lang si Gia.
Ipinakita ni Jun Ho kung gaano niya kamahal si Gia nang magpasya siyang sumama rito sa Hong Kong para magtrabaho.
Panoorin ang highlights ng My Korean Jagiya dito:
Paglipad ni Jun Ho sa Davao
Gia resigns as Gong Woo's translator
Gia, ang tunay na Rapunzel
Pagbisto sa pekeng cancer ni Cindy-monyo
Gia at Jun Ho, nagkabalikan na!
Tunghayan ang mga nakaka-K-lig na tagpo sa My Korean Jagiya, gabi-gabi sa GMA Telebabad.