
Sa ika-anim linggo ng One True Love, makikiusap si Carlos (Raymond Bagatsing) kay Tisoy (Alden Richards) na lumayo muna kay Elize (Louise delos Reyes) habang nagpapagaling ito.
Babalik naman ang mga alaala ni Elize kaya plano niyang tumakas mula sa kanyang mga magulang para muling makita si Tisoy.
Kahit nangakong lalayo muna sa dalaga, tutulungan pa rin ni Tisoy si Elize nang makaranas ito ng bullying sa kanilang ekuwelahan.
Samantala, gusto namang aminin ni Dyna (Ana Capri) kay Elize na siya ang tunay na ina nito.
Panoorin ang highlights ng ika-anim na linggo ng One True Love.
Elize plans on escaping from her parents again
Dyna regrets trusting Leila
Elize and Tisoy's emotional goodbye
Elize suffers from discrimination
Carlos confronts Ellen
Patuloy na panoorin ang One True Love, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 pm sa GMA Afternoon Prime.