
Matapos mawala sa showbiz at manirahan ng halos 20 taon sa Amerika, muling magbabalik sa pag-arte si Philippine cinema icon Hilda Koronel sa pelikula niyang Sisa. Ngunit pag-amin ng batikang aktres, sa matagal niyang pagkawala sa showbiz ay hindi niya na-miss ang pagiging artista.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, December 20, kinumusta ni King of Talk Boy Abunda ang matagal niyang pagkawala sa entertainment industry.
Tanong ni Boy, “Almost 20 years in the US. Were there moments when you would miss acting?”
“No. I guess I've been at it for so long, since I was 12 years old so I actually needed a break and my husband said, 'I think it's time for you to stop already,'” sagot ni Hilda.
Sa halip, ang na-miss umano ng batikang aktres ay ang mismong bansa at mga tao sa Pilipinas, lalong-lalo na ang kaniyang mga anak at apo. Biro pa ni Hilda ay mas na-miss niya ang kaniyang mga maids kaysa sa pag-a-artista.
Nang tanungin naman siya ni Boy kung sino sa mga bata o bagong artista ang hinahangaan niya ngayon, inamin ni Hilda na wala siyang alam ngayon sa kanila. Ito ay dahil tinanggal niya umano ang Filipino channel service niya.
“Because I use to cry a lot when I would see 'yung mga Christmas. Naiiyak kaming mag-asawa, nalungkot ako,” sabi ng aktres.
Panoorin ang buong episode ng panyam kay Hilda rito:
TINGNAN ANG IBANG CELEBRITIES NA INIWAN ANG KARERA NILA SA SHOWBIZ PARA MANIRAHAN ABROAD SA GALLERY NA ITO: