
Isa sa mga nakasabay at hindi malilimutang artista ng showbiz icon na si Hilda Koronel ay ang Superstar na si Nora Aunor. Sa katunayan, meron pa nga sana silang pelikula na gagawin noong nakaraang taon.
Matatandaan na pumanaw ang tinaguriang Superstar noong April 16, 2025 sa edad na 71. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, ibinahagi ni Hilda na nakahanda na sana ang bago nilang pelikula kasama si Adolf Alix Jr. bilang kanilang direktor, bago ito pumanaw.
“We were supposed to do a film, you know? Nag-meeting na kami ng aming direktor, si Adolf Alix Jr at meron na silang project, nag-meeting na kami kasama ng writer, nasa akin na 'yung script. And then, after a week, she passed so that was really sad for me,” sabi ni Hilda.
Nauna nang ibinahagi ni Hilda ang tungkol sa pelikulang ito sa kaniyang mensahe noong pumanaw si Nora.
Ani ng aktres noon sa kaniyang post, “I'm very saddened by Ate Guy's passing...we were discussing a project with her just before I left for home with Direk Adolfo. My deepest condolences to her loved ones and rest in peace now, Ate Guy.
Sinabi rin ng beteranang aktres na malaking kawalan sa entertainment industry si Nora at ipinangakong hindi malilimutan ng mga tao ang Superstar.
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAGLUKSA NOON SA PAGPANAW NI NORA AUNOR SA GALLERY NA ITO: