Isang features editor ng top fashion magazine na The Most si Jason Kim.
Kilala siya ng marami bilang isang kenkoy, pero may angking talino siya sa likod ng kanyang pagpapatawa. Buko dito, mabait siya at patas kung makitungo sa mga katrabaho niya.
Makikilala niya si Ellie Kim na bagong intern sa kanilang magazine. Isa siya sa ilan na magiging magiliw kay Ellie sa kabila ng mga kapalpakan nito.
Mahuhulog ang loob niya kay Ellie dahil makikita niya ang mabuting kalooban nito sa kabila ng pisikal na anyo nito.
Malalaman din niya ang tungkol sa nakaraan nina Ellie at ng deputy chief editor ng The Most na si Anton Ji.
Maikukuwento kasi ni Ellie na kababata niya si Anton, pero 'di siya nakilala nito ngayon. Ibang iba na kasi ang itsura niya ngayon—napakaganda niya bilang isang bata pero matapos bumagsak ng negosyo ng kanilang pamilya, nagmukhang losyang na si Ellie.
Ano ang gagawin ni Jason sa impormasyong ito? Siya ba ang nararapat para kay Ellie dahil hindi niya inalintana ang pisikal na anyo nito?
Ang Korean singer and actor na si Choi Si-won ang gaganap kay Jason Kim. Mas kilala siya ng nakararami bilang parte ng sikat na Korean boyband na Super Junior. Pansamantala siyang huminto sa showbiz para gampanan ang kanyang mandatory military service.
Abangan siya at patunayang beauty is in the heart of the beholder sa Pretty Woman, Lunes hanggang Huwebes, simula January 30 pagkatapos ng Meant To Be sa GMA!
RELATED STORIES:
Ellie Kim, from beautiful swan to ugly duckling sa 'Pretty Woman'
Makikita ba ni Anton Ji ang tunay na beauty sa 'Pretty Woman'?