
Masayang ibinalita ng Kapuso versatile actress na si Yasmien Kurdi sa huge success ng dati niyang Kapuso afternoon soap na Hindi Ko Kayang Iwan Ka na ipinalabas sa bansang Ecuador.
Sa video conference interview ni Yasmien kasama ang entertainment press na inorganisa ng Corporate Communications ng GMA Network ngayong hapon, May 8, ikinuwento niya na nakatanggap ng mataas na ratings ang finale episode ng naturang soap.
EXCLUSIVE: Yasmien Kurdi thanks fans who watch 'Hindi Ko Kayang Iwan Ka' in Ecuador
Wika ni Yasmien, "Sobrang nakakatuwa 'yung mga Ecuadorian fans kasi grabe 'yung suporta nila sa amin and sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka talaga.
"Grabe 'yung nakukuha kong messages everyday and 'yung tina-tag ako and 'yung mga loved ones ko pina-follow nila."
Sa sobrang lakas ng soap ay kinailangan daw ng local TV network na magpalabas ng replay para sa fans.
"Tapos to the point na sinabi sa akin nung TV network doon, mataas talaga 'yung ratings daw ng finale episode namin ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, to the point na kailangan nilang mag-replay."
Ayon pa kay Yasmien, kung hindi dahil sa COVID-19 at pinaiiral na enhanced community quarantine ay bibisitahin niya ang fans nila doon.
"Alam n'yo po kung hindi lang nangyari itong lockdown, ECQ, at 'yung COVID-19, malamang kung nabalitaan namin ganun kaagad, lilipad ako agad sa Ecuador, pupuntahan ko po agad sila [laughs]."
Inusisa din ng press kung ano ang pakiramdam na mayroon siyang foreign fans.
Kita sa mukha ng StarStruck alumna ang kilig bago niya sagutin ang tanong.
Saad ni Yas, "Nakakakilig, overwhelming 'yung feeling kasi siyempre ibang lahi 'yung mga 'yun, mga banyaga na sumusuporta sa inyo. Hindi naman nila alam kung saan ka galing, kung galing ka ba sa StarStruck.
"Sobrang sayang feeling kasi na-experience ko siya nung pumunta ako sa Malaysia, nung pinalabas dun 'yung Sa Piling ni Nanay, ang pangalan doon ng TV show namin ay Ysabel, 'yun yung pangalan ng character ko.
"And then nung pinalabas siya sa Malaysia nasa main TV channel din siya, 'tapos nung pumunta ako sa Malaysia nag-aabang talaga sila sa airport. To the point na 'totoo ba? Bakit kilala ako ng mga tao?
"Sumakay ako ng bus alam nila actress ako, tapos tinatawag nila [ako], hindi Yasmien [kundi] Ysabel [laughs].
"Tinatangkilik nila 'yung gawang Pinoy. Siyempre nakakatuwa talaga. Nakakatuwa nga po na 'yung mga ibang bansa binibili ang mga Kapuso shows."
Espesyal ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka para kay Yasmien Kurdi dahil inuwi niya ang Best Drama Actress award sa 32nd Star Awards para sa kanyang performance bilang si Thea Balagtas.