What's Hot

Hindi na paaawat si Sheena

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 27, 2020 6:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump lands in China for Xi summit with Nvidia CEO in tow
Mga taga Central ug Eastern Visayas, Nanghawod sa March 2026 L.E.P.T. | Balitang Bisdak
Chelsea Fernandez loses P100,000 in booked car

Article Inside Page


Showbiz News



Isa si Sheena Halili sa pinaka active na young stars ngayon. Aside from having a primetime show, meron din syang ginagawang movie na tiyak na aabangan.
Isa si Sheena Halili sa pinaka active na young stars ngayon. Aside from having a primetime show, meron din syang ginagawang movie na tiyak namang aabangan ng marami. Ano ang sikreto ni Sheena at tila hindi siya nawawalan ng projects? Text by Loretta G. Ramirez. Photo by Connie M. Tungul starsSunud-sunod ang mga naging projects ni Sheena Halili ever since she found her niche sa showbiz. Magmula Marimar at hanggang ngayon, gabi-gabi siyang napapanood sa mga top-rating prime time shows ng GMA. There was even a time na even on weekends ay makikita pa rin si Sheena sa telebisyon! "Sa Marimar ako nag-start [mapansin], bestfriend ako ni Katrina [Halili] dun. Doon sa Ako si Kim Sam Soon, kami nila Ate Uge (Eugene Domingo) dun [ ang magkasama]. Tapos sa LaLola, dun naging bestfriend ako ulit ng kontrabida, si Ate Angelika [dela Cruz]. Tapos sa Zorro naman, isa ako sa mga kaibigan ni Antonio at Bellas. Ngayon sa Rosalinda, first time kong maging bestfriend ng bida," ang tuluy-tuloy na kwento ng StarStruck batch 1 Avenger. Talaga namang hindi maawat ito si Sheena dahil pati Pinoy Records, regular segment host na siya! "Ang sarap ng feeling--ang bait kasi sa akin nung group na 'yun eh, 'yung sa Pinoy Records. Sobrang swerte ko na sila 'yung staff ko. Sobrang ang sarap magtrabaho every week. At saka everyday ako nakaka-experience nung iba’t ibang klase[ng] challenges na hindi ko naman gagawin sa ordinary na araw di ba?" paliwanag ni Sheena sa amin. Talaga namang up to any challenge or role itong si Sheena--mapa-comedy, drama or even musical pa! Handa na rin ba siyang makipag-chat sa kanyang mga online fans all over the world? Malalaman natin ‘yan today, August 13,! From 2 .m. to 4 p.m., Sheena will be online via iGMA Live Chat para patawanin, pakiligin at pahangain ang mga chatters ng iGMA!
Don't miss this exclusive event! Visit www.igma.tv/livechat for details. Kamustahin si Sheena via Fanatxt! Text SHEENA [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS SHEENA and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.