What's Hot

Hindi patas ang mundo, ayon kay Arnel Ignacio

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 8:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
US State Department expands visa restriction policy in Western Hemisphere
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Langit at lupa raw ang agwat sa antas ng buhay nina Arnel Ignacio at Ryzza Mae Dizon. Ipinaliwanag ng komedyante kung bakit. 
By MARY LOUISE LIGUNAS

 
Noong nag-guest si Arnel Ignacio sa The Ryzza Mae Show, sinabi ng komedyante na magkaiba raw ang mga landas na tinatahak nila ni Aling Maliit.
 
Nagsimula ito nang siya’y humingi ng kape dahil puyat daw siya.
 
“Siyempre nagta-trabaho ako ng mabuti, ‘di kagaya mo, pi-picture-an ka lang, limpak-limpak na salapi na kaagad ang [makukuha mo],” sabi ni Arnel.
 
Sa murang edad, ilang advertisements at palabas na ang tinampukan ni Ryzza.
 
“Nagpunta ako ng [grocery], puro litraro mo nandun. Lahat ng produkto, mukha mo. Ako nagtitinda ako ng siomai, binibilang ko ang tubo bawat isang siomai, ikaw [tumabi] ka lang sa siomai, mas mayaman ka pa sa ‘kin. Bakit ganun, Ryzza? Bakit ganun?” dagdag ng komedyante, na nagpatawa sa mga audience.
 
Sa mas seryosong usapan naman ay nagpasalamat si Arnel sa batang host.
 
“Nung nakikita kitang nagbibigay ka ng saya, para bang naisip ko na ang mundo ay maganda pala. Kasi pumapangit na ‘to ng pumapangit,” aniya.
 
Gayunpaman, maraming buhay ang napapagaan at napapasaya ni Ryzza Mae.
 
“Nakikita kita, ‘pag umiikot ka sa audience, nagmamano-mano ka dun sa mga lola, tapos [gumagamit ka ng] po at opo… Nung sumulpot ka ulit, parang ‘Ay ang ganda pala ulit [ng mundo]’,” pahayag ni Arnel.