GMA Logo Herlene Budol
What's on TV

"Hipon Girl" Herlene Budol, bibida sa 'Regal Studio Presents: Gayuma Girl'

By Marah Ruiz
Published February 3, 2022 9:41 PM PHT
Updated February 4, 2022 9:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD includes high-density housing as option in 4PH Program
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol


Tatlong lalaki ang mag-aagawan kay "Hipon Girl" Herlene Budol sa 'Regal Studio Presents: Gayuma Girl.'

Ang haba ng hair ni "Hipon Girl" Herlene Budol sa upcoming episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.


Tatlong naggaguwapuhang lalaki lang naman ang maghahabol sa kanya sa episode na pinamagatang "Gayuma Girl."

Gaganap si Herlene dito bilang Maria Rosa, isang street food vendor na kumakayod para sa sarili at sa kanyang lola.

Pangarap niyang mapalago pa ang kanyang negosyo kaya nang makakita ng isang advertisement tungkol sa gayuma na magbibigay ng suwerte sa pag-ibig o negosyo, agad siyang o-order nito.

Kaya lang, magkakamali ang seller at hindi gayuma para sa negosyo kundi gayuma para sa pag-ibig ang maipapadala kay Maria Rosa.

Tatlong lalaki ang aaligid kay Maria Rosa--ang crush niyang si Jose Luis (Anjo Pertierra), suki niyang may girlfriend na laging nangg-aapi kay Maria Rosa dahil sa kanyang itsura; si Gaspar (Kimson Tan), landlord niyang nagbabalang palalayasin sila sa inuupahang bahay kung hindi makabayad sa ibinigay niyang deadline; at si John (Prince Clemente), ang loyal at caring best friend niyang laging nagtatanggol sa kanya.

Ano ang mangyayari kung mawala na ang epekto ng gayuma ni Maria Rosa?

Abangan 'yan sa "Gayuma Girl," February 6, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'

Samantala, tingnan ang sexy transformation ni Herlene dito: