
Bago pa ang 'This Time I'll Be Sweeter' nakasama nina Hiro Peralta at Kim Rodriguez ang mga bidang sina Barbie Forteza at Ken Chan sa Tween Hearts before sa GMA Network.
Natutuwa naman si Hiro at Kim ngayong nagkasama-sama ulit sila. Ani ni Hiro, "Excited kasi syempre 'yung movie na ginawa namin starring [kami] dito. And syempre si Ken at Barbie, I'm happy for them. 'Yun lang."
Dagdag naman ni Kim, "Ako excited makita 'yung mukha ko rin sa big screen. Kasi first movie ko rin ito, eh."
Natutuwa rin si Barbie dahil same Hiro pa rin na nakilala niya dati ang nakakaharap niya ngayon. Ani ng aktres, "Sobrang saya ko para kay Hiro kasi never naman nagbago yung taong 'yan." Pa-joke naman niyang sinabi, "Waistline niya lang 'yung nagbago."
Depensa naman ni Hiro, nagda-diet naman na raw siya. Aniya, "Kailangan na." May "balik-alindog" program na nga raw ang aktor sabi ni Kim at hindi rin daw ito pikon 'pag nagbibiruan silang magkakaibigan.
Ani ni Hiro, "Hindi naman [ako napipikon] kasi kung kasalanan ko naman, and kailangan ko lang magbawas ng timbang, magbawas ng sobrang laking timbang. Pero hindi naman kailangan mapikon.
Si Kim naman daw, ready na magpa-sexy? Ika niya, "Ako hindi ko pa alam, depende malay mo kung may opportunity na dumating, why not? Abangan nila kung ano ang bagong Kim na lalabas."
Abangan sina Kim at Hiro sa 'This Time I'll Be Sweeter,' ngayong November 8 na!