Article Inside Page
Showbiz News
Ito ang naging pahayag ni Hiro Peralta nang tanungin ng GMANetwork.com kung natatakot ba siyang maintriga na bading dahil sa kanyang role sa primetime series na 'Pari 'Koy.'
By MICHELLE CALIGAN
"I'm comfortable with my sexuality. At kung ano ako, kumportable ako. Portraying someone who is not me is something worth it."
Ito ang naging pahayag ni Hiro Peralta nang tanungin ng GMANetwork.com kung natatakot ba siyang maintriga na bading dahil sa kanyang role sa primetime series na
Pari 'Koy.
Gaganap si Hiro bilang si Sam, ang closet gay brother ni Father Kokoy, played by Primetime King Dingdong Dantes.
"Ako 'yung brother ni Dingdong dito. More on party goer 'yung character, party animal. Naging rebellious kasi 'yung character ko because 'yung daddy namin, more on business ang focus niya. And since namatay ang mom namin sa story, 'yun ang naging point para maging rebellious 'yung character ko," paglalarawan niya kay Sam.
First time ni Hiro na bigyang buhay ang ganitong role, pati na rin ang makatrabaho si Dong, kaya isang malaking hamon ito para sa kanya.
"It's very challenging kasi madali na lang 'yung gay na role eh. Not everyone can do that but mostly everyone can do it. Pero 'yung closet one, 'yun ang medyo mahirap. Hindi mo alam kung ano ang gagawin kasi gay ka pero tinatago mo. Paano mo ngayon gagawin onscreen?"
Paano ba niya pinaghandaan ito?
"Mas ginawa ko na lang 'yung method acting. Off-cam, ito ako, ganito ako. Tapos on-cam, tinatago ko 'yung [totoong] character ko. I did some researching, nagtatanong ako sa friends ko na closet din. Sabi nila more on ayos, na mag-invest ka sa ayos mo, not in your movement. Don't show it, don't flaunt it na gay ka."
Masaya rin ang Kapuso actor na muli siyang makakapagtrabaho on TV.
"Happy siyempre, extremely happy kasi makakapagtrabaho ulit ako. And they're giving me a responsibility to act again on-cam. At 'yung character talaga, 'yun ang kinasaya ko, and especially working with Kuya Dong. Basta may trabaho. [It's] worth the wait."