
Simula June 22, muling mapapanood sa GMA ang hit Korean series na The Lovely Runner, na kinilala bilang Best K-drama of 2024 ng Time Magazine.
Pinagbidahan ang The Lovely Runner ng phenomenal duo na sina Byeon Woo Seok at Kim Hye-yoon bilang Sandro at Sol.
Kasama rin nila sa serye sina Song Geon-hee bilang Tyrone at Lee Seung-hyub bilang Ian.
Iikot ang kuwento ng The Lovely Runner sa fangirl na si Sol (Kim Hye-yoon) na makakabalik sa nakaraan at susubukang baguhin ang present para mailigtas ang idol niyang si Sandro (Byeon Woo-seok) at mabago ang kapalaran nito.
Abangan ang The Lovely Runner simula June 22, Lunes hanggang Sabado, 11:30 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI BYEON WOO-SEOK SA GALLERY NA ITO: