
Muling mapapanood sa Philippine television ang award-winning at hit Korean historical drama na Jumong, na ginampanan ng multi-awarded actor na si Song Il-gook.
Unang napanood ang Jumong sa South Korea noong 2006, at ipinalabas ito sa GMA noong taong 2007.
Kasama sa historical series ang Korean stars na sina Han Hye-jin bilang So Seo-no, Kim Seung-su bilang Prinsipe Dae-so, Jun Kwang-ryul bilang Geum-wa, Oh Hyeon-su bilang Yu-hwa, Heo Jun-ho bilang Hae Mo-su, Kyun Mi-ri bilang Reyna Wan-hoo, at Song Ji-hyo bilang So-ya.
Ang serye na ito ay base sa buhay ng totoong Korean hero na si Jumong. Lumaki si Jumong bilang anak nina Geum-wa at Yu-hwa, na naghahangad na makilala ang tunay niyang ama.
Simula June 5, saksihan ang pagbangon ng isang dakilang bayani, si Jumong, at kung paano niya mapagtatagumpayan ang laban na maibalik ang dating kaharian, ang Joseon, at patatagin ang magiging dakilang dinastiya ng Goguryeo.
Abangan ang Jumong ngayong June 5, 2:00 p.m. sa GTV.
Panoorin ang Jumong at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.