GMA Logo maki on dilaw single
Source: clfrnia_maki
What's on TV

Hit single ni Maki na 'Dilaw,' sinulat niya para sa sarili

By Kristian Eric Javier
Published August 8, 2025 4:07 PM PHT
Updated August 8, 2025 4:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Tropical Storm Ada as of 5:00 PM (Jan. 18, 2026)
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

maki on dilaw single


Alamin ang kuwemto sa likod ng hit single ni Maki na "Dilaw" rito.

Isa sa mga kilalang awiting ng OPM hitmaker na si Maki ay ang “Dilaw.” Sa katunayan, kahit si Comedy Genius Michael V. ay napabilib dito at ginawan pa ng parody na pinamagatan niyang “Hilaw.”

Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, isinulat ng singer-songwriter ang kanta para sa kaniyang sarili.

Sa pagbisita ni Maki sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, August 8, tinanong siya ni King of Talk Boy Abunda kung ano ang kwento sa likod ng naturang kanta.

Ayon sa singer, sinulat niya ang "Dilaw" para sa kanyang sarili. Pagbabahagi ng singer, hindi niya ito isinulat para sa ibang tao at sa halip, para sa sarili.

Para sa tanong ng batikang host kung ano ang sinasabi ni Maki sa sarili gamit ang kanyang kanta, sagot niya, “Para sa akin, ang best form of love po is hindi siya kagaya ng red, kasi po laging associated 'yung love, para sa akin, sa pula, na laging sobrang passionate, sobrang romantic.”

Sinang-ayunan din niya ang paglalarawan ni Boy na “obsessive.” Para sa kaniya, ang pagmamahal ay dapat kalmado, warm, at may self-acceptance.

BALIKAN ANG NARANASANG HARASSMENT NI MAKI NOONG NAGSISIMULA PA LANG SIYA SA GALLERY NA ITO:

Pinansin naman ni Boy ang linya sa kaniyang kanta na “Ikaw ang katiyakan ko,” at tinanong kung sino ang pinatutungkulan niya dito.

Ani Maki patungkol ito sa sarili niya. Dagdag pa ng singer-songwriter, habang sinusulat niya ang kanta ay may binabasa siyang libro tungkol sa katapangan, at sinabing marami itong uri.

Ngunit para umano sa kaniya, “Sa pagpu-pursue ng dream na 'to or tao man, the courage of acknowledging that you are not the best, you are not perfect, the courage to sit down with your demons, with your flaws. Ako po, para sa akin, 'yun 'yung talagang-- nagsa-start po doon 'yung totoong pagmamahal, hindi lang sa atin, hindi lang sa sarili mo, kundi sa mga taong nakapaligid sa'yo.”

Pagpapatuloy pa ni Maki, “'Pag minahal mo na 'yun, 'pag nagkaroon ka na ng courage to love these things, 'yun po 'yung totoong pagmamahal.”

Panoorin ang panayam ni Maki dito: