What's Hot

WATCH: Dawn Zulueta at Ian Veneracion, nag-aminan sa 'Tonight with Arnold Clavio'

By Bianca Geli
Published January 18, 2020 4:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Anu-ano ang mga inamin nina Dawn Zulueta at Ian Veneracion sa kanilang guesting sa 'Tonight with Arnold Clavio?'

Sa recent episode ng 'Tonight with Arnold Clavio,' inilahad ng ageless beauty na si Dawn Zulueta at forever matinee idol na si Ian Veneracion ang kanilang buhay offcam sa segment na “Nasubukan Mo Na Ba?”

Unang inamin ni Dawn na hindi pa siya nakakasakay ng MRT kahit kailan, ngunit halos lahat ng ibang public transport ay nasakyan niya na. Aniya, “Oo pati bus ang hindi ko na lang nasasakyan yung MRT hindi ko pa nata-try.”

“Maganda 'yung experience gusto ko ma-experience rin ng mga bagets ko,” dagdag niya.

Inamin naman ni Dawn na nasubukan niya na ring mag-take home ng pagkain galing sa party. “Oo naman, nakakahiya man sabihin, pero kapag ka-chika mo naman yung host [ng party]…”

Ibinahagi rin ni Dawn na mahilig siya sa street foods at mag-shopping sa tiyangge.

Habang si Ian Veneracion naman, ikinuwento ang pinaka nakakahiya niyang karanasan at ibinahagi na nasubukan niya nang maligo sa ulan.

Maiinit na tanong naman ang diretsahang sinagot ni Ian sa “Nasubukan Mo Na Ba?” nang tanungin ng host na si Arnold Clavio kung nagkagusto na ba ito sa kapwa lalaki, ano kaya ang sinagot ni Ian?

Panoorin:

WATCH: Team Kramer shows their new home in 'TWAC'

WATCH: Aga Muhlach, sinong Kapuso leading lady ang gustong makatambal?