GMA Logo Bea Binene culinary school
What's Hot

Bea Binene, masayang-masaya sa kaniyang culinary school experience

By Felix Ilaya
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated March 17, 2020 1:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 30, 2025
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Binene culinary school


Kumustahin natin ang culinary school experience ng Kapuso actress na si Bea Binene.

Lubos ang tuwa ni Bea Binene dahil sa nalalapit na pagtatapos niya ng kursong culinary.

Taong 2019 nang magsimu mag-aral si Bea Binene para sa nasabing kurso sa Center for Asian Culinary Studies.

Kuwento ni Bea sa interview ng GMANetwork.com, all malapit na raw niyang matapos ang kaniyang one-year course at masayang-masaya siya sa kaniyang experience dito.

Aniya, "One year kasi 'yung course [and] sa June, one year na kami so mag-o-OJT na soon. Super-enjoy, sabi ko nga, nakakapagod pero 'eto 'yung pagod na gusto mong gawin kasi nag-eenjoy ka sobra."

Paano naman nakatutulong ang mga natututunan ni Bea sa culinary school para sa kaniyang business na Mix and Brew Coffee?

"Before I went to culinary school, nagbe-bake na talaga ako. Cookies, ganyan.

"Ngayon, wala lang oras, pero gusto kong minsan ako 'yung magbe-bake para 'yun na 'yung ibebenta ko sa cafe."

Panoorin ang Kapuso Showbiz News interview with Bea Binene sa video below: