
Nakuha ng Filipina dancer na si Marianne Tubil ang atensiyon ni international singer and actress Jennifer Lopez dahil sa sayaw na ipinost niya sa kanyang Twitter account.
Habang nananatili sa bahay dahil sa enhanced community quarantine, sumayaw si Marianne sa remix ng "Love Don't Cost a Thing."
Ito ang performance ni JLo sa nakaraang halftime show ng taunang Super Bowl sa Amerika kung saan nakasama niya si Shakira at iba pang international artists.
Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, pinusuan naman ni Jennifer ang sayaw ni Marianne.
"loveeeeee!" simpleng tugon niya.
loveeeeee! ♥️ https://t.co/kPMgBpTzgc
-- Jennifer Lopez (@JLo) March 20, 2020
Bahagi si Marianne ng dance company na UPeepz na ilang beses na rin nag-compete sa iba't ibang dance competitions.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakuha ng mga Pinoy ang atensiyon ni Jennifer dahil sa pagsasayaw.
Minsan na niya pinuri ang isang grupo mula sa Cebu dahil sa kanilang #JLoTikTokChallenge.