
May throwback video ang dating Bubble Gang star na si Rufa Mae Quinto na puwede daw lumaban sa viral na TikTok videos ngayon.
LOOK: Rufa Mae Quinto misses her 'Bubble Gang' barkada
April Friyay sa 'Bubble Gang!' |Teaser Ep.
Sa Instagram post ni Rufa Mae ngayong araw, April 2, ipinasilip niya sa kanyang more than one million Instagram followers ang dance number niya sa GMA-7 na ipinalabas noong 2001.
Saad niya, "E yun na nga libangan na ginagawa ko noon ... sabaw este , sayaw , dancing nakaka miss! Yasss! Babe @trevvvsilog for more good vibes . Enjoy work see you on your day off! Todo na to. Go go go! Pang tiktok moves , bago mag katala, himala dance muna .booba dance!"
Bukod sa pagiging mainstay dati sa Bubble Gang, sumikat din si Rufa Mae sa mga pelikula niya na 'Booba' (2001) at 'Super B' (2002).
Masaya naman ngayon ang comedienne dahil busy siya kay Athena Alexandria, ang kanyang anak sa kanyang non-showbiz husband na si Trevor Magallanes.