
Updated as of April 14, 2020: Nagsulat ang Kapuso actor na si Jon Lucas ng dalawang kanta na may kaugnayan sa COVID-19 crisis. Layunin nitong magbigay ng pag-asa at inspirasyon sa panahon ng pandemya.
Ayon sa kanyang Instagram posts, nilapatan niya ang mga ito ng musika na prinodyus at kinompows ni Michael Pacquiao, ang 18 taong gulang na anak ng boxing legend at senador na si Manny Pacquiao.
Ang unang kantang isinulat ni Jon na pinamagatan niyang "'Wag Kang Matakot" ay handog niya sa mga apektado ng global health crisis.
Pakinggan dito:
Sa caption, sulat ni Jon, na isang devout member ng Iglesia ni Cristo, "Hello po sa inyong lahat!
"May sinulat akong kanta para sa aking mga kaibigan at KAPATID na lubos na naapektuhan ng mga pangyayaring ito sa mundo.
"Sa ganitong paraan, sana makatulong kami sa inyo, hindi man kami makapag-abot ng inyong pangangailangan.
"Pero bilang kaisa ng pamamahala nais namin na patatagin pa ang inyong loob."
Sambit pa niya, "Pagpasensiyahan n'yo na po ang aking BOSES, pati ang TONO!
"Pero pangako, mula po 'yan sa puso ko.
"'Yung Music galing po kay @pacquiao.michael."
Samantala, nagbigay-pugay naman si Jon sa COVID-19 frontliners sa pamamagitan ng panibagong kantang kanyang sinulat na pinamagatan niyang "Modernong Bayani."
Sa videong kanyang ipinost sa Instagram, ipinakita niya ang ilang larawan ng mga frontliner na kuha habang sila ay nasa gitna ng pakikipaglaban sa pagkalat ng COVID-19, kalakip ng kantang kanyang ginawa.
Panoorin dito:
Sambit ni Jon sa caption, "#FRONTLINERSPH, sana po mapakinggan n'yo.
"Muling nakalikha ng isang awit para sa ating mga Frontliners.
"Para sa mga MODERNONG BAYANI na walang pag-aalinlangan na nagsasakripisyo at naglilingkod para sa bayan!
"Maraming salamat po sa inyo!
"Itong awit na ito ay mula po sa aking puso.
"Bilang kababayan n'yo, alam ko ang hirap n'yo sa araw araw.
"Sana makatulong po sa inyo sa ganitong paraan."
Dugtong pa ng Descendants of the Sun actor, "Salamat sa pag-edit @shyyyferas.
"Salamat ulit, Sir @pacquiao.michael!
"'Yung mga photos po ay hindi ko pag-aari.
"Pero 'yung mga nasa litrato na 'yon ang aking mga bayani."
Jon Lucas, hinikayat ang mga pasyente na maging tapat sa health workers
LISTEN: Jon Lucas covers XXXTENTACION's "Changes"