
Ilang maikling video ang ibinahagi ni Kapuso singer and comedian Nar Cabico sa kanyang Instagram account kung saan ipinamalas niya ang galing niya sa pagha-harmonize.
Umawit si Nar sa magkakaibang pitch, blending at second voice at pinagsama-sama ang kanyang mga video gamit ang isang app.
Ang resulta ay parang isang buong a capella group ang umaawit kahit mag-isa lang si Nar.
Panoorin ang pag-awit niya ng 'My All' ni Mariah Carey.
Narito naman ang performance niya ng 'I Don't Want To Wait' ni Paula Cole.
Inawit din niya ang 'Brown Eyes' ng Destiny's Child.
Isa si Nar sa mga nakiisa sa #HealingHearts, ang online concert series ng GMA Artist Center na fundraising campaign din para sa COVID-19 relief efforts.
Bukod dito, naging bahagi din siya ng QuaranTunes PH, na siya ring online benefit concert para sa mga COVID-19 frontliners.