GMA Logo jak roberto and sanya lopez pet dogs
What's Hot

Jak Roberto at Sanya Lopez, paano nahilig mag-alaga ng mga aso?

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 23, 2020 12:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Backstreet Boys drop 2025 version of 'I Want It That Way' music video
P500,000 cash, jewelry lost to burglars in mall in Pavia, Iloilo
Brandon Espiritu recommends this workout as a running alternative

Article Inside Page


Showbiz News

jak roberto and sanya lopez pet dogs


Celebrity siblings na sina Sanya Lopez rat Jak Roberto, umabot na sa 10 aso ang inaalagaan sa bahay!

Naka-home quarantine man dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon, hindi nararamdaman ng aktres na si Sanya Lopez ang lungkot sa kanilang bahay dahil sa kanilang mga aso.

May tig-limang aso ang magkapatid na sina Sanya at Jak Roberto kaya naman masaya ang kanilang bahay.

“Sa ngayon [kasama ko sa bahay] si Kuya tapos 'yung mga manager ko po, tapos 'yung mga dogs, sila 'yung mga kasama ko ngayon,”

“10 silang aso kaya hindi malungkot. Masaya at magulo," sabi ni Sanya sa panayam sa kanya ng Unang Hirit.

Kuwento ng dating Encantadia actress, nahilig sila ng kanyang Kuya Jak sa pag-aalaga ng aso mula noong may kinupkop silang stray dog.

“Nag-start kami nahilig sa dogs noong mayroon kaming stray dog na inalagaan tapos nawala siya,” kuwento ni Sanya.

Panoorin ang buong panayam ng Unang Hirit host na si Suzi Entrata-Abrera kay Sanya: