
Ibinahagi ni Kris Bernal ang isa sa kanyang mga pangarap para sa kanyang makeup brand na SHE Cosmetics.
Ayon sa kanyang post sa Instagram, nakapag-workout umano siya dahil sa kanyang pag-aayos ng mga stock sa kanyang bahay.
Aniya, "Yesterday's labada slash workout at my mini-warehouse at home."
Saad ni Kris, pangarap umano niya na magkaroon ng sariling opisina at HQ para sa kanyang negosyo.
"Dream ko talaga na magkaroon ng sariling office and HQ, pero for now, lagare ka muna guuuurl! ️"
Bago pa man magsimula ang Linggong ito, nag-post rin si Kris ng kanyang routine ngayong enhanced community quarantine
"New week in lockdown, new week to reset, and retry anything you may have missed out on last week. Today is a new day! ️"
Umaasa umano siya ng masayang araw para sa lahat habang ginagawa ang kanilang daily routine. Ibinahagi niya rin ang kanyang ginagawa para maging productive ang kanyang araw.
"I hope each day you decide to feel as happy as you can and accomplish your to-do list for the day. This habit works well for me: Before I hit the bed, I like to take the time to plan for the day ahead to keep myself organized and focused. It helps me not to feel rubbish and look forward to my days!"
Nilinaw rin ni Kris na hindi kailangang laging may plano. Ang importante ay ang kapanatagan ng loob lalo na't may COVID-19 crisis.
"Having no plan is okay, too, if that's where you're comfortable with and at peace with yourself!"
Kris Bernal reveals wish for her birthday month
Kris Bernal, gustong ibalik ang kanyang negosyo na Meat Kris