
Nagkaaminan sina Ken Chan at Rita Daniela sa isa't isa sa kanilang bagong vlog.
Sa part 2 ng RitKen series, itinanong ni Rita kung minsan na bang na-fall si Ken sa kanya.
Sa una ay nag-alangan si Ken sa pagsagot kay Rita.
Saad ni Ken, "Hala siya o!"
Tanong pa ni Ken kay Rita, "Kung na-in love ako sa'yo?"
Napaamin naman si Ken na totoong nagkaroon siya ng feelings para kay Rita.
Saad ni Ken, "Simula noong My Special Tatay. Oo."
Tila natatawa naman si Rita nang marinig ang sagot ni Ken.
Sina Rita at Ken ay unang nagkatambal sa My Special Tatay noong 2018. Sila ay gumanap bilang Boyet at Aubrey na kinigilawan ng mga Kapuso viewers.
Pagkatapos ng kanilang nakakakilig na pagganap sa My Special Tatay ay bumida rin sila One of the Baes bilang Grant at Jowa.
Panoorin ang kabuuang vlog nina Ken at Rita:
Rita Daniela at Ken Chan, nominado sa 33rd Awit Awards
Rita Daniela reveals she was ready to migrate and move on before 'My Special Tatay'