What's Hot

Kapuso entrepreneurs, kanya-kanyang diskarte ngayong may COVID-19 pandemic

By Dianara Alegre
Published August 6, 2020 12:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel secures top spot with win vs Meralco; Oftana powers TNT past Blackwater
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco at Kris Bernal


Online na rin ang platform ng mga negosyo nina Kapuso entrepreneurs Kris Bernal at David Licauco.

Upang patuloy na makatulong sa iba sa gitna ng COVID-19 pandemic, ilang Kapuso entrepreneurs gaya nina Kris Bernal at David Licauco ang dumiskarte para makasabay sa bagong paraan ng pagnenegosyo.

Gaya na lamang ng House of Gogi ni Kris na isang Korean barbecue restaurant. Nagsara ito nitong July upang pangalagaan ang kalusugan ng kanyang mga empleyado at upang hindi mawalan ng trabaho ang mga ito, ginawa niya itong Gogi Mart, isang online grocery mart.

“Kasi ayoko silang pakawalan. Hindi ko kaya nang wala silang trabaho. 'Yun 'yung pinaka-concern ko, e gusto ko, lahat sila may trabaho,” aniya.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Kris na hindi niya umano maiwasang malungkot dahil sa ilang buwan nang pagkatigil ng kanyang trabaho.

“May mga araw na anxious talaga ako. Nalulungkot ako kasi nami-miss ko na kasi talagang magtrabaho like nami-miss ko na talaga um-acting. Nami-miss ko na mag-ayos, nami-miss ko na 'yung mga tao sa taping,” dagdag pa niya.

Kris Bernal

Kris Bernal / krisbernal (IG)

Samantala, binuksan naman ni David ang kanyang ikalimang business, ang one-stop online shop na tugma sa kanyang passion at advocacy na ipakilala ang healthy lifestyle sa publiko.

“This pandemic, maraming businesses na parang medyo down. I made a website na parang pwede nilang mabenta 'yung mga products nila du'n at the same time, those people na naghahanap ng healthy products, mako-connect ko sila,” aniya.

Sabi pa ni David, bukas din umano ang mga gym trainers na nawalan din ng trabaho sa naturang online store.

“'Yung mga freelance trainers pwede rin sumali sa website ko para magkaroon sila ng trabaho,” aniya.

David Licauco

David Licauco / davidlicauco (IG)

Dahil sa banta ng COVID-19 sa kalusugan ng publiko, ilang negosyo at establisimyento ang pansamantalang nagsara upang bigyang-daan ang community quarantine na ipinatupad ng gobyerno.

Celebrities launch businesses amid the COVID-19 pandemic