What's Hot

Tessie Tomas, vlogging muna ang pinagkakaabalahan ngayong pandemic

By Dianara Alegre
Published August 25, 2020 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

tessie tomas vlogs life at isle of man


Dahil hindi pa pwedeng lumabas at magbalik-trabaho ang mga senior citizen tulad ng aktres na si Tessie Tomas, abala muna siya ngayon sa pagba-vlog tungkol sa buhay niya sa Isle of Man.

Nakabalik na sa kanyang tahanan sa Isle of Man mula ang celebrity senior citizen na si Tessie Tomas matapos maabutan ng lockdown sa Pilipinas nang halos anim na buwan.

Sa panayam ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ibinahagi ng aktres na bukod sa simpleng buhay, hindi raw matatawaran ang peace of mind na natatamasa niya sa Isle of Man, isang maliit na isla sa pagitan ng Ireland at England, lalo na ngayong maraming bansa ang nakikipagbuno sa COVID-19.

Tessie Tomas

Source: Tessie Pullin (IG)

Aniya, nananatiling COVID-19 free ang isla.

“Believe it or not, it's COVID-19 free because there are only 80,000 people in this 30 square mile beautiful island and then nobody's allowed to come in up to now. Walang tourist,” lahad niya.

Dagdag pa ni Tessie, 24 oras umano ang byahe bago niya bago siay nakarating sa lugar.

“Anim na tao lang kami du'n sa maliit na eroplano na dapat for 50.

"Siyempre, tiniis mo na lang. naka-PPE ako. Actually, ang nakapagpapalakas lagi ay 'yung prayers.

“Pagdating ko dito, hindi ko nakita ang asawa ko.

"Sinundo ako ng taxi diretso ako sa hotel na kailangan akong mag-quarantine for 14 days,” aniya pa.

Tessie Tomas

Source: Tessie Pullin (IG)

Nilinaw naman ng aktres na hindi pa niya iniwan ang buhay showbiz at babalik umano siya sa Pilipinas kapag ligtas nang magbyahe.

“I have not retired. I am always ready to work when the time is right,” sabi pa ng aktres.

Sa kasalukuyan ay itinutuon ni Tessie ang kanyang oras at atensyon sa paggawa ng content para sa kanyang YouTube channel.