
Hindi na lamang mga bulaklak ang ibinebenta sa Flora Vida online shop ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera dahil inilunsad na rin siya ang home décor line nito nitong Martes, December 8.
Source: marianrivera (IG)
Hands-on si Marian sa negosyo at kabilang sa kanyang home collection ang furniture at gamit sa bahay na inspired daw ng kanyang travels abroad.
“Bata pa lang talaga ako naka-ingraine na sa akin at nakatatak na talaga sa 'kin 'yung flowers.
"Siguro 'yung flower elements na ito ay palaging present sa buhay ko naiiba lang siguro through expression, sa damit or sa dried flowers, sa mga gamit sa bahay--nasa puso't isip ko talaga siya,” lahad ni Marian nang makapanayam ng 24 Oras.
Imported daw mula sa Europe ang fabric na gamit sa mga bagong koleksyon niya pero locally made ang mga produkto niya.
Samantala, bukod sa negosyo, pinaghahandaan din ni Marian ang unang sabak niya sa teatro-- virtually--sa upcoming adaptation ng Oedipus Rex ng Tanghalang Ateneo.
“Sabi ko nga habang nagra-run through kami, kinakabahan ako, hindi ko alam kung kaya kong gawin.
"But sabi ko, ita-try ko 'yung best ko na gawin lahat para atleast hindi ako mapahiya, na ako 'yung pinili n'yo sa character na 'to,” aniya.
Ang Oedipus Rex ay ididirihe ng aktor, writer, at Ateneo teacher na si Ron Capinding.