
Nagpakita ng husay ang aktres na si Faye Lorenzo sa paggawa ng stunts sa kanyang bagong video.
Sa Instagram account ni Faye makikita ang kanyang training day sa paggawa ng stunts.
Ayon sa ipinadalang detalye ni Faye sa GMANetwork.com, ang kanyang ginagawang training ay ang basic stunt training, cinematic fighting, reactions, blocking, fight pose, weapons, partikular na ang arnis.
Photo source: @fayelorenzo_
Isa pang ibinahagi ni Faye ay ang pagiging fan ng action films at superheroes.
Ito umano ang dahilan kung bakit nagsikap siyang matutunan ang mga paggawa ng stunts.
"Fan ako ng action movies and mga superheroes. I do also online games na action talaga. Ginawa ko siya kasi gusto kong matutunan 'yung tamang stunts. I'm still in training."
Nilinaw ni Faye na ang training na ito ay kanyang ginagawa para maging handa sakali mang may mag-offer sa kanya ng project na kailangan ng action scenes.
Ito rin ay kanyang ginawa para maprotektahan umano ang kanyang sarili.
Saad ni Faye, "I want to try action in the future if ever na meron akong offer. And, self-defense para rin maprotektahan ko ang sarili ko."
Kuwento rin ni Faye, "Before pandemic I've decided to enroll na. But, nagka-lockdown so 'yung mga gym nagsara. December lang talaga ako nag-strat mag training."
Sa mga nais subukan ang stunt training tulad ni Faye, nag-iwan siya ng tip para mapaghandaan ito.
Aniya, "Sa mga gustong subukan ang intense training, dapat buo ang loob nila at ready 'yung body and mind nila kasi hindi siya madali. Puwede kang mabalian sa mga stunts na gagawin.
"'Yung trainor ko naman, he sees to it na safe ako lagi and nakukuha ko ng maayos 'yung itinuturo nila sa akin."
Marami ang nakapansin sa husay ni Faye at nag-iwan ng positive comments sa kanyang post.
Ayon sa Kapuso star, masaya siya sa feedback ng mga followers niya sa stunt training na ginawa niya.
"Overwhelming, kasi na-apreciate ng mga tao yung pinaghirapan kong matutunan.
"Fulfilling rin siya kasi hindi ko akalain na magagawa ko yung mga stunts," aniya.
Dugtong pa ni Faye, "Tumaas nga lalo ang tingin ko sa mga action stars at sa mga stunt man kasi hindi talaga madali 'yung ginagawa nila.
"Kapag nagkamali ka, masasaktan or makakasakit ka. Kailangan mo talaga siyang pag-aralan ng maayos and dapat gusto mo talaga siya."
Tingnan ang ilan pang nakabibighaning larawan ni Faye sa gallery na ito:
Ngayong January 18, mapapanood si Faye sa fantasy romance na The Lost Recipe.
Alamin ang kanyang role rito at ang mga makakasama sa bagong GMA Public Affairs show sa gallery na ito: