GMA Logo jong madaliday
What's Hot

Jong Madaliday reaches 500k subscribers on YouTube

By Jansen Ramos
Published April 26, 2021 1:37 PM PHT
Updated April 26, 2021 1:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos rejects PH label as ‘ISIS training hotspot’
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

jong madaliday


Sa ngayon, may mahigit 21 million accumulated views na ang mga video ng 'The Clash' Season 1 alumnus na si Jong Madaliday sa kanyang YouTube channel.

Tuloy-tuloy ang pamamayagpag ng online presence ng The Clash Season 1 finalist na si Jong Madaliday.

Matapos makakuha ng tig 1 million followers sa Facebook at TikTok, may panibagong online achievement na na-unlock ang Kapuso singer.

Ito ay matapos maabot ni Jong ang 500,000 subscribers sa kanyang YouTube channel.

Jong Madaliday reaches 500k subscribers on YouTube

Taong 2019 nang magsimulang mag-vlog si Jong.

Bentahe niya ang kanyang mga song cover at panghaharana sa online chat website na Omegle sa random strangers na nakakasalamuha niya.

Sa ngayon, may mahigit 21 million accumulated views na ang kanyang mga video sa YouTube dahil sa kanyang nakaka-in love na boses.

Maging ang Danish singer na si Maximillian at Fil-Am artist na si Bella Poarch ay namangha sa magandang boses ni Jong nang marinig nila ang song covers nitong "Beautiful Scars" at "Kanlungan."

Samantala, muling nakasama ni Jong ang kanyang tatlong kapatid nang makauwi siya sa kanyang hometown sa North Cotabato habang inoobserbahan ang Ramadan.

A post shared by Jong Madaliday (@jongmadaliday)

Sa pakikipag-usap ng GMANetwork.com kay Jong sa pamamagitan ng direct message sa Instagram, nabanggit ng binatang singer na tatlong taon na siyang hindi nakakauwi sa kanilang probinsya kaya excited sila sa pagsasama-sama muli nilang magkakapatid.

"Masaya po ako kasi first time ko na makasama 'yong mga kapatid kong mga lalaki, na kumpleto kami.

"Kasi, magkakaiba po kami ng tinitirahan kaya noong nagkita po kami, sakto nandoon sila sa bahay ng lola namin para bisitahin."

Si Jong ay second runner-up sa first season ng The Clash na ipinalabas noong 2018. Itinanghal si Golden Cañedo bilang grand winner sa nasabing season.

Samantala, narito ang iba pang personalidad na nakilala sa Kapuso singing competitions
noong 2010s: