What's Hot

KMJS: Game streaming, dibdiban na rin ang labanan?

By Dianara Alegre
Published May 5, 2021 3:24 PM PHT
Updated May 5, 2021 4:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tuba, Benguet police chief relieved from post due to lapses in Cabral probe —PNP
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Mariel aka Miss Rapsy


Ilang female game streamers, bakit binabatikos?

Hindi na rin nagpapahuli ang mga kababaihan pagdating sa larangan ng online game streaming. Gayunman, ang pagsikat ng ilang female game streamers ay inuulan ng batikos mula sa netizens.

Ayon sa kanila, dinadaan umano raw nila ang paghakot ng viewers sa paglalabas ng dibdib.

Pambabatikos sa ilang female game streamers

Pambabatikos sa ilang female game streamers

Pambabatikos sa ilang female game streamers

Pambabatikos sa ilang female game streamers

Pambabatikos sa ilang female game streamers

Isa sa mga online streamer sa mga naturang post ang 21-anyos na si Mariel o mas kilala bilang “Miss Rapsy.”

Noon pa raw ay mahilig nang maglaro ng online games si Mariel at ngayon, pinagkakakitaan niya na rin ito.

Mariel aka Miss Rapsy

“Habang nagla-live ka, merong magse-send sa 'yo ng stars. So kung may nag-send sa 'yo ng two stars, that is equivalent to one peso. Merong mga nagse-send sa 'kin 30,000 stars, 10,000 stars,” pahayag ni Mariel nang makapanayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Bukod sa pagse-send ng stars, kumikita rin daw siya sa pamamagitan ng minimum guarantee fee.

“'Yung minimum guarantee (MG) fee, 'pag partner ka na 'yun 'yung matatanggap mo every month. Mas marami kang viewers, mas mataas 'yung matatanggap mong salary,” aniya pa.

Para dumami ang views, gumagawa siya ng iba't ibang pakulo gaya ng pagbibigay ng challenges at pagsasayaw.

“Sexy girl gamer ako and 'yun 'yung pino-portray ko. Kaya 'yung mga tao sobrang wow sila. Nag-start 'yung page ko 27, 000 followers and ngayon mag-one million na 'ko,” kwento pa ni Mariel.

Mariel aka Miss Rapsy

Pero may ilan na hindi nagugustuhan ang kanyang online persona. Aniya, may ilan na siyang natanggap na mga batikos kaugnay ng kanyang pananamit.

Kwento niya, nasabihan na raw siya ng “Baka kaya ka [ganyan ka] manamit kasi gold digger ka. May gusto kang perahan na mga lalaki.'

“Sobrang baba ng tingin nila sa 'yo na akala nila na 'pag ganito peperahan mo agad sila. May nakikita akong mga lalaki na nagko-comment na, 'Yuck, bakit ganyan 'yung suot. Yuck, walang self-respect,' pero sila ang number one viewers ko. Sila ang number one na nagse-send sa 'kin ng stars. Sila ang number na nagtsa-chat sa 'kin at nagpapa-add sa 'kin. Sila 'yung mga tao na niyayaya ako for dinner dates.”

Para maiwasang mabastos, nagbibihis daw si Mariel na balot na balot ang kanyang katawan sa tuwing lalabas o pupunta sa public places.

“Talagang nagbabalot-balot talaga ako 'pag lalabas ako in public places kasi feeling ko 'pag nabastos ao at nag-report ako, feeling ko sisisihin pa ako na ikaw ang may dahilan kung bakit ganon. Victim-blaming.

“Never, never na justification para bastusin ang isang tao base sa damit niya,” saad niya.

Mariel aka Miss Rapsy

Kaya para makaiwas na lang sa gulo, ibina-block niya agad ang social media users na alam niyang may negatibong sasabihin tungkol sa kanya.

“First sentence pa lang na alam ko na negative, block ko agad sila. Si Lord na ang bahala sa mga taong nagko-comment ng masama dahil wala namang balik sa 'kin 'yan.

“Ako ang balik sa 'kin, a comfortable life and I love it. I will never give up this kind of lifestyle. Hindi naman ako napapakain ng comment mo,” aniya.

Para naman klaruhin sa netizens, iginiit ni Mariel na hindi niya ginagawa ang pagsusuot ng clothing of choice niya habang nagla-live streaming para manghikayat ng anumang sexual attention.

“To set the record straight, I am not doing to seek sexual attention para mabastos ako. Ginagawa ko 'to to hype my brand,” dagdag pa niya.

Mariel aka Miss Rapsy

Mas kilalanin pa si Mariel aka Miss Rapsy sa espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho:


KMJS: Live selling, dibdiban na ang labanan

Samantala, narito ang ilang Kapuso stars na video game streamers din: