
Maraming mga proyekto ang nakaabang para sa nagbabalik Kapuso na si Sunshine Cruz, isa na riyan ang GMA Afternoon Prime series na Stories from the Heart: Love On Air kung saan gaganap siya bilang si Deborah Gutierrez.
Pero bukod sa usapin ng kaniyang mga nakalinyang programa, kapansin-pansin din ang ageless beauty ng celebrity mom na si Sunshine. Sa morning chikahan sa Unang Hirit ngayong Biyernes, October 22, ibinahagi ng aktres ang sikreto sa kaniyang younger-looking skin.
"I am already 44 now, so nagsisimula na ang mga hormonal imbalance, nagkakaroon ng pimples... but yes, drinking lots of water really helps, 30 minutes to one hour of working out, even cardio is very very important, and lots of sleep talagang kailangan, healthy food ang ating kakainin mild skin care lang importante," saad ni Sunshine.
"And, of course, to always live a very happy and positive life," dagdag pa niya.
Ibinahagi rin ng aktres na kahit looking young, pang old soul naman ang kaniyang kinahihiligan ngayon. Isa na rito ang paggagantsilyo. Sa katunayan, ilan sa kaniyang ginawang crochet tops ay naging outfit na ng kaniyang pamilya.
"Gusto ko lang na magkaroon talaga ng isang bagay na bago na ginagawa ko, so binalikan ko 'yung crochet, nag-start sa bonnet. 'Yung mga anak ko nag-request sa akin na 'Mom, that's uso now...can you make us crop tops?'" kuwento pa ni Sunshine.
Masaya raw siya sa tuwing nakakagawa siya ng crochet tops para sa kaniyang mga anak. "It makes me feel happy knowing na na-a-appreciate ako nung mga mahal ko sa buhay everytime na ginagawan ko sila ng crop tops," ani Sunshine.
Sa kaniyang pagbabalik Kapuso, una munang mapapanood si Sunshine sa GMA ngayong Sabado, October 23, sa bagong two-part episodes ng Wish Ko Lang kung saan gaganap siya bilang isang selosa pero mapagmahal na asawa.
Samantala, silipin namana sa gallery na ito ang forever young photos ni Sunshine Cruz.