
Hit sa mga netizens ang cosplay photos ng Kapuso teen actress na si Jillian Ward.
Ayon kay Jillian, siya raw mismo ang nag-iisip ng mga costumes, style ng makeup at iba pang detalye ng mga cosplay photos niya.
"Ako lang po 'yung nag-iisip. Katulad po noong Wonder Woman, 'yung Spider-woman po na ginawa ko nung Halloween, 'yung mermaid po, ako rin po 'yung nag-isip po noon," kuwento ng aktres.
Masusi daw niyang pinag-aaral ang iba't ibang bahagi ng cosplay or costume play para makaipon ng experience.
"Gusto ko rin po talagang i-try kasi form of art din po 'yun talaga," paliwanag ni Jillian.
Bukod sa kanyang hit GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas, malaki din ang following ni Jillian online.
Umabot na sa 3.6 million ang followers niya sa Instagram, habang 4 million naman sa TikTok.
Humakot din ng mahigit walong libong likes sa loob ng isang minuto ang bagong profile picture niya sa Facebook.
Kaya naman may paalala si Jillian sa kanyang mga followers niya online.
"Dapat hindi po namba-bash. Good vibes lang po always. Kapag bad vibes po 'yung nilalagay mo sa social media, may ife-face ka rin pong mga consequences," ani Jillian.
Panoorin ang buong panayam ni Jillian sa video sa itaas.
Samantala, silipin ang best cosplay photos ni Jillian sa gallery na ito: