
Sa pagpapatuloy ng Korean romance comedy drama series na Hogu's Love na napapanood ngayon sa GTV, unti-unti nang nagbabago ang buhay ng binatang si Hogu.
Matapos niyang tulungan ang kaniyang teenage crush na si Dorothy sa napakalaking problema nito, tila hindi niya kinakaya ang sunud-sunod niyang nararanasan at nangyayari sa kaniyang buhay.
Isang araw, nang dinala na si Dorothy sa delivery room, nasaksihan ni Hogu ang hirap nito habang nanganganak.
Nakita ni Hogu ang mismong paglabas ng sanggol at ang iba pang prosesong ginawa kay Dorothy upang matagumpay na maisilang ang baby nito.
Dahil simpleng binata lamang si Hogu, tila hindi pangkaraniwan para sa kaniya ang kaniyang mga natutunghayan.
Nang hindi na niya kaya na makita ang mga pangyayari, agad siyang lumabas sa delivery room at doon na siya nag-iiyak.
Labis na nagtaka ang lalaking kaniyang katabi sa ospital dahil akala niya ay may nangyaring masama sa kasama ni Hogu at sa baby nito.
Panoorin ang eksenang ito:
Trauma in the delivery room!
Samantala, ang Hogu's Love, ay pinagbidahan ng Korean stars na sina Choi Woo-shik at Uee.
Ang seryeng ito ay ipinalabas sa Korea noong taong 2015.
Sabay-sabay nating subaybayan ang Hogu's Love sa GTV.
Samantala, mapapanood ang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.
KILALANIN ANG KOREAN ACTRESS NA SI JUNG HO-YEON SA GALLERY SA IBABA: