GMA Logo Claudine Barretto, Boy2 Quizon, Vandolph Quizon
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

'Home Along da Riles: Da Reunion,' nagsimula lang sa isang endorsement

By Kristian Eric Javier
Published June 14, 2026 2:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

RESIBO (June 14, 2026) | LIVESTREAM
'Dad Mode On: Fuel the MVP of the House': A Father's Day Celebration of Feasts, Family Moments, and Fun Surprises
Baterbonia's siblings to get scholarships from Ateneo de Davao

Article Inside Page


Showbiz News

Claudine Barretto, Boy2 Quizon, Vandolph Quizon


Mula sa isang endorsement, social media messages at posts, nagkaroon na ng tunay na reunion ang 'Home Along Da Riles.'

Napuno ng excitement ang mga lumaki noong '90s nang malaman na magbabalik ang sitcom series ng dating Comedy King na si Dolphy sa pelikulang Home Along Da Riles: Da Reunion. At ayon kay Boy2 Quizon, nagsimula lang ang lahat dahil sa product endorsement na ginagawa nila noon ni Vandolph Quizon.

Pagbabahagi ni Boy2 sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, June 12, may ine-endorso sila ni Vandolph na produkto noon nang maisip ng huli na gumawa ng content sa riles.

“May pinuntahan kaming isang riles sa Sucat. Hawak-hawak namin 'yung product, Tito Boy, tapos may ginawa kami nito. Nagulat kami, biglang napuno 'yung mga tao sa riles. Tapos nag-viral, tapos du'n na nag-start,” sabi ni Boy2.

Dalawang linggo pagkatapos ng kanilang viral content shoot, bininyagan ang anak ni Smokey Manaloto na si Kiko. Sa espesyal na event na iyon, kasama na nila sina Nova Villa, Ces Quesada, at iba pang dating co-stars nila sa naturang '90s sitcom, at doon na nagtuloy-tuloy ang usapin para sa isang reunion movie.

Pagbabahagi ni Claudine Barretto, doon na nagsimulang hingin ng netizens ang proyekto para sa Home Along Da Riles. Dagdag pa ni Vandolph, marami na rin ang humihiling na gawin nang totoong proyekto ang kanilang reunion.

TINGNAN ANG PAGBABALIK TANAW NG CELEBRITIES SA KANILANG '90S PRIME SA GALLERY NA ITO:

Bukod sa pagiging parte ng cast, nagsilbi ring direktor ng pelikula si Boy2 na sinabing tila siya ang pinakatumanda sa kanilang lahat dahil sa kaniyang karanasan sa paggawa ng pelikula.

Biro pa nina Claudine at Vandolph, tumaas na ang hairline ni Boy2 dahil sa stress. Ngunit kahit ganoon, masaya naman umano ang direktor sa nagawa nilang pelikula, lalo na at nakumpleto ang Cosme family, at iba pang cast members ng sitcom.

“Nakakatuwa, but at the same time, masaya tapos may halong lungkot kasi marami na ring nawala sa mga cast. Pero naging madali for me kasi naging very collaborative lahat,” sabi ni Boy2.

Dagdag pa ng actor-director, umabot ng dalawa at kalahating taon ang paggawa nila ng pelikula dahil pinilit nilang mahanap lahat ng naging parte ng kanilang serye noon.

“Nu'ng nakikita namin 'yung mga little steps on social media, it started there, na may buhay pang Sunog Baga. Umabot sa point Tito Boy na hinanap namin lahat ng mga tao,” sabi ni Boy2.

Sa huli, sinabi ni Vandolph na ang babaunin ng mga manonood ay family values ng Cosme family, at mga alala ng pamilya.

“Ang baon n'yo dito, 'yung memories of your mga mahal sa buhay na have passed, na nawala na, na nagbigay ng malaking bagay sa buhay ninyo kung papaano kayo ngayon. At the same time, tissue, maraming tissue,” sabi ng aktor.

Panoorin ang panayam kina Claudine, Boy2, at Vandolph dito: