Article Inside Page
Showbiz News
These days, si Trixie, played by Ehra, ay laging nandyan para kay Totoy ngayong wala si Anna. Siya na nga ba ang papalit dito sa puso ni Totoy?
Isang simpleng babae si Trixie na may mga simpleng pangangailangan. Pero nang kanyang makilala si Totoy, ang kanyang mundo ay biglang bumaliktad. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio.

"At first kasi 'yung character ko, 'di ba sinabi 'yung parang dancer lang, so parang I was thinking ako 'yung masama, 'yung bad girl. Pero kumbaga nag-tape kami ng isang eksena sa bar scene. Parang simpleng eksena lang," kuwento ni Ehra Madrigal sa kanyang role as Trixie sa set ng
Totoy Bato.
Trixie evolves
Pero nakita naman natin na ang katauhan ni Trixie ay nagkaroon ng progression, sa kuwento na rin mismo ni Ehra: "After nun, parang more of drama na action. And eventually hindi lang siya 'yung mababaw na character—mas nagiging intense at edgy na rin siya. Parang may background story na rin siya—kung bakit naging ganun si Trixie, kung bakit siya ganun [na] sobarang matulungin kay Totoy (Robin Padilla)."
Ngayon, sa mga nakaraang episode, natuklasan natin na nagkaroon ng hadlang sa relasyon ni Totoy at ni Anna (Regine Velasquez). At dito na umeksena si Trixie kung saan ngayon siya na ang kadalasang nakakasama ni Totoy sa kanyang mga pagsubok.
"Bumabalik ulit 'yung character ko na parating naroon sa kanya. Ngayon na nagte-train na siya for boxing, parang ako 'yung laging bumubisita, ako 'yung palaging nandoon," lahad ni Ehra sa mga huling eksena nila ni Robin.
Dagdag pa niya, simula pa lang, ang kanyang pagtingin at paghanga sa katauhan ni Totoy ay kakaiba na din naman: "At first parang nung nakita niya si Totoy [sabi niya], 'Ahh, guwapo lang 'to.'. Pero eventually, pinapakitaan niya—kasi nga sobrang humahanga siya, ang bait niyang tatay, ang bait niyang tao.
"Kumbaga hanggang sa huli, lagi ko nang sinasabi sa kanya nandun ako para sa kanya. Parang tumataas ng tumataas 'yung level. Hindi lang 'yung physical attraction na parang, 'Ahh crush ko siya.' Ganun."
Hindi 'old school'
Kay Ehra naman, hindi naman pangkaraniwan ang pagka-kontrabida niya. Pero kontrabida pa rin ba ang tingin sa kanya?
"Parang," sagot niya, "'Yun nga lang, ako 'yung isa sa mga girl [na love interest]. Pero hindi ako 'yung old school na nag-susungit, nang-aaway [at] 'yung nanunugod.
"Well, for the love team nina Ate Regine 'tsaka ni Robin, ako 'yung ipalalabas na kontrabida, pero never ko pa naman [ginagawa] yung sinusungit-sungitan ko si Regine, wala pa kaming eksenang ganun. Pero kumbaga, siguro dun sa love nila, ako lang 'yung nakaharang na puedeng matuloy or ganyan."
In-explain pa ni Ehra na may iba pa namang rason kung bakit eventually nag-hiwalay si Totoy at Anna: "Pero hindi lang naman ako 'yung factor, pero 'yung mom (Deborah Sun) din ni Regine sa story, 'di ba factor din? 'Yung factor rin na they think na si Robin, isang kriminal."
"Guys, manood po kayo ng
Totoy Bato after
Zorro, tapos kung ano po 'yung mga next project ko abangan nyo na lang, siyempre lalabas 'yan sa GMA kung ano 'yung susunod," ang imbita ni Ehra sa kanyang mga fans.
Tanungin si Ehra tungkol sa Totoy Bato!Text EHRA [Your Message] Send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.
Share your thoughts on Totoy Bato by logging on to the iGMAForums! Not yet a member? Register
here!