GMA Logo Huwag Kang Lalabas in I Heart Movies digital channel
What's on TV

Horror anthology na 'Huwag Kang Lalabas,' tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published August 17, 2026 5:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Senate eyes Saturday budget hearings to make up for work disruptions
P28M heavy equipment seized in CDO illegal mining crackdown
Shows and movies announced at D23: The Ultimate Disney Fan Event

Article Inside Page


Showbiz News

Huwag Kang Lalabas in I Heart Movies digital channel


Kabilang ang horror anthology na 'Huwag Kang Lalabas' sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Isang horror anthology ang hatid ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.

Tatlong nakakikilabot na kuwento ang mapapanood sa 'Huwag Kang Lalabas,' ang horror anthology na mula kay award-winning director Adolf Alix Jr.

Inspired ng mga lockdown ngayong COVID-19 pandemic, iikot ang tatlong iba't ibang kuwento sa mga lugar kung saan hindi maaring basta-basta lumabas ang mga tao.

Kabilang sa star-studded cast nito sina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, at Kim Chiu.

Abangan ang 'Huwag Kang Lalabas,' August 21, 9:35 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Para naman sa fans ng indie films, nariyan ang 'Sol Searching' na pinagbidahan ni Pokwang.

Tungkol ito sa pagtutulong-tulong ng isang komunidad para sa isang teacher na namatay pero walang pera para sa burol at libing.

Paano nila mabibigyan ng maayos na pamamaalam ang guro na nagturo sa kanilang mga anak at pati na sa mga magsasaka?

Abangan ang 'Sol Searching,' August 19, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available rin ito sa iba pang digital television receivers.