
Mapapanood ang makapigil-hiningang horror film na Basement sa digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.
Written and directed by Topel Lee, iikot ang kuwento nito sa isang grupo ng mga tao na maiiwan at aksidenteng makukulong sa isang basement parking.
Sa pagsapit ng dilim, may mga mangyayaring hindi maipaliwanag at isa-isang mamamatay ang kanilang mga kasamahan.
Ano ba ang kinakaharap nila? Alamin 'yan sa Basement, March 17, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag ding palampasin ang Burgos, pelikulang hango sa tunay na kuwento ni Jonas Burgos, isang magsasaka at aktibista na dinukot noong 2007.
Mula sa panulat ni Ricky Lee at direksiyon ni Joel Lamangan, bibida rito si Lorna Tolentino bilang Editha Burgos, nanay ni Jonas na patuloy na naghahanap sa kaniya.
Tunghayan ang Burgos, March 19, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.